Senior citizen na Pinay na napaulat na missing sa Hong Kong, natagpuan na

Kinumpirma ng Filipino community sa Hong Kong na natagpuan na ng mga awtoridad doon ang 76 taong gulang na Pilipino na nawawala sa Hong Kong.

Si Nanay Leticia Wong ay natagpuan ng mga awtoridad sa isang ospital doon.

Ligtas naman na natagpuan ang Pinay at wala namang nakitang injuries nang matagpuan ito.


Ang nasabing Pinay ay huling namataan sa cable car terminal sa Tat Tung Road noong October 6.

Siya ay ilang araw na hinanap ng mga awtoridad matapos na magpasaklolo sa Hong Kong police ang pamilya nito.

Facebook Comments