Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa mga batang obese sa posibleng maagang pagkamatay dahil sa hindi masustansyang pagkain.
Sa Malacanang press briefing, sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na tinatayang nasa 30% ng mga batang Pilipino ang obese.
Maaari aniya itong magresulta sa iba’t ibang karamdaman na ikasasawi ng mga batang obese sa edad na 25 hanggang 35.
Tinukoy ng Kalihim na ang mga pagkaing nagdudulot ng obesity ay ang labis na kanin o unli rice, soft drinks, at fast food.
Kaugnay nito, isinusulong ng DOH ang maagang maiiwas ng mga bata sa obesity sa school age o edad pa lamang ng kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila ng tamang pagkain at paghikayat sa kanilang mag-ehersisyo at maging aktibo sa sports.
Facebook Comments