Mga bato at volcanic debris mula sa sumabog na underwater volcano sa Japan, inanod hanggang Batanes

Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology PHIVOLCS sa posibleng panganib sa marine life ng pumice stones at volcanic debris mula sa sumabog na bulkan sa Japan noong Agosto.

Ito ay makaraang anurin hanggang sa pampang ng Sitio Maydangeb, Ivana, Batanes ang mga volcanic material mula sa Fukutoku-Okanoba na isang underwater volcano.

May layo itong 2,000 kilometro hilagang-silangan ng Batanes at Aparri, Cagayan.


November 21 nang unang maobserbahan sa baybayin ng Batan at Sabtang Islands ang mga volcanic material.

Babala ng PHIVOLCS, ang mga nasabing bato at abo mula sa bulkan ay maaaring makasira ng mga bangka at makina nito, bumara sa drainage pipes at makapatay ng marine animals.

Posible ring magkaroon ng seawater contamination mula sa leached volcanic sulfur.

Dahil dito, pinayuhan din ng PHIVOLCS ang publiko na iwasan muna ang anumang beach activities dahil pinapalabo ng volcanic debris ang tubig at maaari itong magdulot ng mga gasgas.

Habang inabisuhan nito ang mga lokal na pamahalaan na makipag-ugnayan sa Office of Civil Defense para atasan ang Philippine Coast Guard na magbigay ng babala sa mga sasakyang pandagat.

Facebook Comments