Tatlong senatorial aspirants, nagtungo sa PDEA para magpa-drug test

331

Sabay-sabay na dumating sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) national headquarters sa Quezon City ang mga administration senatoriables na sina broadcaster Rey Langit, dating Presidential Anti-Corruption Commission Chairperson Greco Belgica at ang actor na si Robin Padilla para magpa-drug test.

Sa kanilang statement sa media, bahagi umano ng transparency ang kanilang hakbang.

Umaasa din ang tatlo na may susunod pa sa kanilang mga kandidato na magpapa-drug test.


Dagdag ng tatlo, kusa silang nagpa-drug test at hindi nila ito ipinaalam kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments