Sa bisa ng Executive Order No. 28 na kumokontrol sa pagbebenta, paggawa, pamamahagi, at paggamit ng mga paputok at iba pang pyrotechnic device inilabas na ng Pangasinan Disaster Risk Reduction Management Office ang listahan ng mga ipinagbabawal na paputok.
Ito ay ang mga sumusunod:
Watusi, Piccolo, Pop pop, Five star, Pla pla, Lolo Thunder, Giant bawang, Giant whistle bomb, Atomic bomb, Super lolo, Atomic Traiangle, Goodbye Bading, Sinturon ni hudas, Goodbye Philippines, Goodbye Delima, Hello Columbia, Mother Rockets, Goodbye Napoles, Coke-in can, Super Yolanda, Pillbox, Boga, Kwitis, at kabasi.
Binigyang diin ng ahensya na huwag tatangkilikin ang mga lokal na klase ng paputok at ibang tatak dahil tiyak na mapanganib ang mga ito.
Sa ngayon, paalala parin ng mga otoridad na huwag gumamit ng paputok upang masayang salubungin ang bagong taon. | ifmnews