Mga bawal sa loob ng mga sementeryo sa paggunita ng all souls at saints day, ipinaalala

Manila, Philippines – Nagpaalala muli si PNP Chief Ronald Dela Rosa sa mga pupunta sa sementeryo kaugnay sa paggunita ng all souls at all saints day sa November 1 at November 2 na sundin ang mga patakarang ipinatutupad sa loob at labas ng sementeryo.

Sinabi ni PNP Chief Dela Rosa sa mga pupunta sa mga sementeryo para makita ang puntod ng mga pamilyang sumakabilang buhay na ay huwag magdadala ng alak, malakas ng sound system, mga matatalim na bagay at iba pang mga ipinagbabawal sa loob ng sementeryo.

Pinayuhan din ng General Bato ang mga pupunta sa sementeryo na huwag iiwan ang bahay na walang bantay dahil posible itong maging target ng mga akyat bahay gang.


Mas maigi aniya kung ihahabilin ito sa mapagkakatiwalaang kapitbahay at mga brgy tanod, security guard.

Facebook Comments