Ito ay matapos maitala ang dalawampu (20) na bayan na wala nang aktibong kaso ng COVID-19.
Kaugnay nito, wala namang naidagdag sa tatlumpu’t limang (35) bayan na mga na tinamaan ng sakit maliban sa bayan ng Cabagan at Santiago City na nakapagtala lamang positibong kaso nito.
Isang (1) COVID-19 related death ang naitala dahilan para pumalo ito sa 2,247 sa kabuuang bilang ng mga namatay dahil sa virus.
66,627 naman sa kabuuan ang mga nakarekober sa sakit habang 66,897 naman ang kabuuang bilang ng cumulative cases.
Sa kasalukuyan ay nasa tatlumput pito (37) na lamang ang aktibong kaso sa buong lalawigan ng Isabela.
Patuloy naman ang paghimok ng pamahalaan sa publiko ang pagsunod sa minimum public health standard upang makaiwas sa hawaan ng COVID-19.