MGA BAYAN SA PANGASINAN AT LA UNION NA PINAGKUKUNAN NG MGA URI NG SHELLFISH, TOXIC RED TIDE FREE NA AT MAAARI NA PARA SA HUMAN CONSUMPTION

Naglabas ang Department of Agriculture Regional Agriculture and Fisheries Information Section Ilocos Region ng public advisory mula sa BFAR kung saan nakasaad na free na sa toxic red tides ang lahat ng klase ng shellfish at alamang nakukuha sa ilang bayan sa Pangasinan at La Union.
Ilan sa mga bayan na ito mariculture areas ng Infanta, coastal water ng Bolinao, Anda, Alaminos City, Sual at Bani sa Pangasinan, at mariculture areas ng Rosario at Sto. Tomas sa La Union.
Ibig sabihin nito ay maaari nang kainin ng mga tao o ligtas na para sa human consumption ang ano mang uri ng shellfish at alamang na galing sa mga naturang bayan.

Ngunit kahit ligtas umanong kainin ang mga lamang dagat na nabanggit ay nagbigay pa rin ng paalala ang ahensya sa mga lokal na pamahalaan ng mga naturang bayan na mag-require pa rin ng market inspectors, quarantine officers, at administrators para magdemand sa mga traders ng Auxilliary Invoice na issued by LGU mula sa point of origin o Local Transport Permit na issued by BFAR naman.
Ito ay para masiguro na ang lahat ng isda at mga fish products gaya ng seaweeds at shellfish na dinadala sa mga market ay hindi galing sa mga lugar na positibo pa rin sa Paralytic Shellfish Poisoning. |ifmnews
Facebook Comments