Nakikiisa ang Department of National Defense (DND) sa paggunita ng National Heroes Day ngayong araw August 31.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, dapat alalahanin ang kabayanihan, katapangan at pagmamahal sa bayan na ipinamalas ng ating mga bayani.
Ito ay ang mga bayani na naging dahilan ng pagkakaroon ng payapa at maunlad na bansa ngayon.
Bukod sa kanila, sinabi ni Lorenzana, inaalala at kinilala ng Defense Department ang mga buhay na bayani sa kasalukuyan na buong tapang na nakikipaglaban ngayong may COVID-19 pandemic ang frontliners.
Sinabi ng kalihim, magsilbi sanang paalala sa mga Pilipino ang ginagawang kabayanihan ng frontliners para magkaisa at suportahan ang isa’t isa upang makaahon sa nararanasang pandemya.
Bukod dito ay ang pakikiisa ng publiko para labanan ang bansa ng krimen at terorismo.
Payo ni Lorenzana, ipakita sana ng mga Pilipino sa buong mundo ang spirit ng Bayanihan at pagmamahal sa bayan na siyang tatak ng isang Filipino.