Mga beauty clinics, pinapa-regulate sa DOH

Manila, Philippines –  Pinapa-regulate ni Quezon City Rep. WinstonCastelo sa Department of Health ang mga beauty clinics sa bansa.

 
Ito ay kasunod ng pagkamatay ng isang businesswoman na siShiryl Saturnino sa “The Icon Clinic” matapos na sumailal sa tatlongoperasyon.

 
Ipinapainspeksyon ni Castelo sa DOH ang lahat ng mgabeauty clinics sa bansa para masilip kung may kaukulang permits ang mga itopara mag-operate.


 
Pinapasilip din ng kongresista sa DOH kung may lisensya,kwalipikado at highly-skilled ang mga doktor para magsagawa ng mga maseselangoperasyon na maaaring malagay sa delikadong sitwasyon ang mga pasyente.

 
Mahalaga din na may maayos na pasilidad at medicalequipment ang mga beauty clinics upang matagumpay at ligtas ang isasagawangsurgery.

 
Mahalaga aniyang mamonitor at higpitan ng gobyerno angmga regulasyon sa mga beauty clinics upang hindi na maulit ang sinapit niSaturnino.

 
Dagdag ni Castelo, may mga report na ang mga surgeons sailang mga beauty clinics ay hindi totoong surgeons na nakakalusot paramagsagawa ng operasyon.

Facebook Comments