Riding in tandem, nakipagbarilan sa mga pulis isa ang patay isa nakatakas sa Caloocan City

Manila, Philippines –  Patay ang isa sa dalawang hindi pa nakilalangriding in tandem matapos na makipagbarilan sa mga tauhan ng Caloocan CityPolice Station sa Brgy.176  Bagong SilangCaloocan City.

 
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya nagsasagawa ng checkpoint kaninang pasado alas tres ng madaling araw nang dumaan sa Phase 8Chairman Village Brgy 176 ang isang motorsiklo lulan ang dalawang katao sahalip na huminto sa isinagawang check point ng mga awtoridad ang mga suspek aymabilis itong humarurot at tinakbuhan ang check point.

 
Dahil dito, hinabol ng mga awtoridad ang riding in tandemkung saan ay nakorner sa lugar sa halip na sumuko ay pinaputukan ang mga puliskayat gumanti rin ng putok ang mga pulis na nagresulta pagkasawi ng hindikilalang suspek habang nakatakas ang kasamahan nito.


 
Narekober sa suspek ang isang kaliber 38 pistol atmotorsiklo na gumamit sa kanilang pagtakas.

 
Inaalam na ng mga awtoridad kung ang napatay na suspek ayresponsable sa mga nangyayaring panghoholdap at patayan sa lugar.

Facebook Comments