Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na mas maging mapanuri sa pakikipag-ugnayan sa alinmang grupo o organisasyon.
Base sa ulat ng DSWD Crisis Intervention Division, may isang grupo ang nanghihikayat di-umano ng miyembro at naniningil ng bayad para sa Identification Card na nagkakahalaga ng Php 350.
Ayon sa DSWD na ang kanilang panghihikayat ay kapalit ito ng pangakong makatatangap sila ng financial assistance mula sa ahensya sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation.
Paliwanag ng DSWD na hindi ibinebenta ang identification cards ng mga senior citizen at Person with Disability (PWD) at hindi rin ito garantiya na makakakuha ng financial assistance.
Apela ng ahensiya sa publiko na ipagbigay-alam ang mga ganitong insidente sa DSWD sa numero (028) 931-81010 to 07 o sa alinmang DSWD Field Office sa buong bansa.