Mga kabataan, pinapayagan nang makalabas at makapag-book ng PhilSys Step 2 registration

Pinapayagan nang mag-book ng appointment para sa PhilSys step 2 registration ang registrants na may edad na 15 hanggang 17 anyos at senior citizens na 65 anyos pataas.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), alinsunod ito sa inilabas na Resolution no. 114 ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) noong May 06, 2021.

Pinahihintulutan ang mga registrant na magtungo sa mga registration center mula sa nabanggit na age bracket.


Bagama’t pinayagan nang makalabas ang mga menor de edad, kinakailangan pa rin silang samahan ng kanilang magulang o guardian.

Nagpaalala sa publiko ang PSA na sumunod lamang sa standard health and safety protocols.

Facebook Comments