CAUAYAN CITY- Sumailalim sa oryentasyon ang isandaang (100) partner-beneficiaries ng Project LAWA at BINHI sa bayan ng Palanan, Isabela.
Ang programa ay inisyatibo ng Department of Social Welfare and Development at TUPAD ng Department of Labor and Employment.
Layunin ng programa na tugunan ang epekto ng El Niño Phenomenon kung saan magtatayo ang mga benepisyaryo ng farm reservoirs at communal garden.
Samantala, nagsimula ang kanilang pagtatrabaho noong ika-19 ng Agosto at matatapos sa ika-13 ng Setyembre kung saan makakatanggap ng P9,000 ang bawat kalahok.
Facebook Comments