Mga benepisyong hatid ng RCEP sa Pilipinas, ibinida ni PBBM

Ipinagmalaki ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) ang mabilis na pagratipika ng Pilipinas sa Regional Comprehensive Economic Partnership Agreement o RCEP.

Ayon kay PBMM, nagpapakita ito ng pagtupad natin sa pangakong pagbubukas sa ating sumisiglang pagnenegosyo.

Sa kanyang post sa Twitter ay binigyang diin ni Pangulong Marcos na dahil sa RCEP ay mas lalawak ang mararating ng ating mga lokal na produkto sa pandaigdigang merkado.


Inilahad din ni PBBM na kabilang sa benepisyong dulot ng RCEP sa Pilipinas ay zero o mas mababang taripa sa pag-angkat ng mga produkto, at mas lalawak din ang pagkukunan natin ng raw materials.

Sabi ni Marcos, mas magiging madali rin ang pakikipagpalitan natin ng kalakal sa mga bansang kasapi ng RCEP at mas lalaki ang oportunidad para sa mga skilled Filipino professionals at mga negosyante.

Dagdag pa ng pangulo mapag-iibayo rin ang suporta sa pag-unlad at pagsali ng ating maliliit na negosyante sa global value chain.

Inaasahan din ni PBBM ang mas murang mga fertilizer, pesticide at mga kailangang kagamitan para sa ating mga magsasaka.

Tiwala rin si Marcos na mas iigting ang pamumuhunan para sa agricultural technologies at sa larangan ng research and development.

Facebook Comments