P3.5 MILLION MEDICAL ASSISTANCE PARA SA MAHIHIRAP NA PASYENTE INAPRUBAHAN NG SP-AKLAN

Kalibo, Aklan – Inaprubahan ng 19th Aklan Sangguniang Panlalawigan ang kahilingan ni Governor Jose Enrique Miraflores na pahintulutan siyang makapasok sa kasunduan kasama ang Department of Health Western Visayas Center for Health Development ( DOH WV CHD). Ang kasunduan ay ukol sa pamamahala ng P3,500,000.00 na tulong pinansyal ng nasabing ahensya sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital (DRSTMH) tulong medikal sa mga mahihirap o walang kakayahan pinansiyal na pasyenteng Aklanon na nagpapagamot ng kanilang mga sakit sa nasabing hospital naka confined man ang mga ito o out-patient. Walang agam-agam na inaprubahan ito sa 20th Regular Session ng SP-Aklan dahil aniya malaking tulong ang nasabing pundo para hindi na mag aatubili pang magpagamot o magpacheck-up man lang ang mga Aklanon na may matagal ng dinadalang sakit dahil hindi na problema pa ang perang gagastusin sa kanilang pagpapagamot.
Facebook Comments