Inisa-isa ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ang mga dapat mabigyan ng ayuda mula sa ₱200 billion aid ng pamahalaan na labis na apektado ng Luzon-wide Enhanced Community Quarantine (ECQ) dahil sa COVID-19.
Ayon kay Nograles, ang mga makakatanggap ng ayuda ay ibabase sa nakatala sa national database ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mula sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno maging ng mga Local Government Units (LGUs).
Kabilang sa mga matatanggap ng ayuda mula gobyerno ang:
- senior citizen
- person with disability (PWD)
- pregnant women
- solo parent
- Filipino workers in distress
- indigenous people
- homeless citizen
- farmers
- fishermen
- self-employed
- informal settlers
- employees affected by ‘no work, no pay’ policy
Sabi naman ni Labor Secretary Silvestre Bello III, maaari ng dumirekta sa kanilang tanggapan ang mga apektadong manggagawa ng ECQ lalo na kung ang kani-kanilang mga employers ay walang pagkukusa para makuha ang kanilang ₱5,000 financial assistance program ng ahensya.
Kailangan lang, aniyang, magpasa ng mga manggagawa ng kanilang payroll at kanila umanong ipadadala ang limang libong pisong ayuda sa pamamagitan ng money transfer.
Ang mga employers naman na nakatugon at nakapagpasa ng mga kinakailangang requirements matatanggap nila ang ₱5,000 financial assistance sa loob ng 48 oras kapag natanggap na ang confirmation receipt.
Sa datos ng Department of Labor and Employment (DOLE), higit 200,000 mga manggawa na ang nakatanggap ng ₱5,000 financial assistance.