INFANTA, PANGASINAN – Pinulong ang mga Barangay Health Workers sa Bayan ng Infanta ukol sa masterlisting ng mga priority groups A2 at A3 sa pagbabakuna kontra COVID-19.
Ang pagpupulong ay pinangunahan ng mga nurse mula sa Department of Health.
Kasabay din nito ay ang paglalahad ng bilang ng mga nabakunahan na sa bawat barangay sa lokalidad.
Ang nasabing aktibidad ay hakbang ng lokal na pamahalaan at rural health unit dito upang maisaayos ang lahat, hindi lamang ang mga nasa priority list kundi ang mga mag-aadminister ng pagbabakuna kaugnay sa vaccination program pa rin ng Kagawaran ng Kalusugan laban sa deadly virus.
Sa ngayon, base sa pinakahuling tala ng RHU-Infanta, umaabot na sa 6.4% o 177 mula sa 2, 754 ang bilang ng mga senior citizen na nagparehistro at nabakunahan na kontra COVID-19.