Mga bibilhing Black Hawk helicopter, gagamiting pang-transport ng mga perishable vaccines at gamot sa mga liblib na lugar ayon sa DND

Malaking tulong sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagbili pa ng mga Black Hawk transport helicopters lalo na ngayong may pandemya o kaya para sa mga critical situation.

Ito ang pahayag ni Department of National Defense (DND) Spokesperson Arsenio Andolong matapos na ianunsyo kamakailan ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbili ng 15 Black Hawk helicopters.

Sinabi ni Andolong, kinakailangan nang i-upgrade at i-expand ang helicopter fleet ng AFP.


Magagamit aniya ang mga bibilihing helicopter sa pagdadala ng mga relief goods, pagbiyahe ng mga first responders sa panahon ng kalamidad at maging pagta-transport ng mga perishable vaccines at gamot sa mga liblib na lugar sa bansa.

Gagamitin din aniya ang mga helicopter sa pagpapalikas ng mga tao sa panahon mg emergency at pagta-transport sa mga may mga malubhang sakit o pasyenteng kailangan ng agarang gamot.

Facebook Comments