Mga bihag sa Marawi city, pinipilit na magnakaw

Manila, Philippines – Pinipilit ng Maute terror group na magnakaw ang kanilang mga bihag sa Marawi city.

Ito ang nadiskubre ng militar matapos ang naging pahayag ng mga nailigtas na pitong bihag mula sa local terrorist group.

Ayon kay joint task force Marawi Spokesperson Lt Col Jo-Ar Herrera at base sa kwento ng biktima inuutusan ang mga hostages na magnakaw ng mga bala, baril, gold, pera at alahas sa mga establishment sa Marawi City.


May schedule daw ang ginagawang pagnanakaw ng mga hostages.

Ito ay mula alas syete ng umaga at hanggang alas 11 ng tanghali bago babalik sa kanilang pinagtataguan.

Pero pagsapit ng alas tres ng hapon tuloy na naman ang pamimilit ng Maute group sa mga bihag para magnakaw.

Sa ngayon tuloy ang operasyon ng militar laban sa Maute group upang ma-neutralize na ang mga ito at mailigtas ang natitira pang bihag.

Facebook Comments