Ayon kay Executive Director Narciso A. Edillo, ang sentinelling ay isang panimula sa programa ng repopulation ng baboy upang mapataas ang produksyon at mapanatili ang supply at presyo nito.
Kaugnay nito, sinabi rin ni Executive Director Edillo, na ang pamamahagi ng mga sentinels’ pigs ay eksklusibo lamang sa mga lugar na walang kaso ng African Swine Fever (ASF) sa loob ng hindi bababa sa 90 na araw.
Ang inisyal na budget ng sentinelling component ng repopulation program ay nasa P400 million, na bahagi ng P2.4-bilyong swine repopulation program.
Gayundin, ang P200 million na inilaan para sa mga swine breeder multiplier farms upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagmumulan ng mga biik para sa mga swine repopulation program, habang ang natitirang P1.2 billion ay inilaan para sa biosecurity at surveillance program ng ‘Bantay ASF sa Barangay’ o BABay ASF.