Mga biktima ng cybercrime offenses tulad ng fake news, mainam na maghain ng reklamo

Ikinakabahala ni Senator Christopher “Bong” Go ang patuloy na pagdami ng cybercrime offenses tulad ng pagpapakalat ng fake news na labag sa batas.

Dahil dito ay hinikayat ni Go ang mga biktima na maghain ng reklamo dahil parte ng ating demokrasya ang karapatan ng taong naagrabyado ng isang kasinungalingan na maprotektahan ang sarili.

Kamakailan ay humingi rin ng tulong si Go sa National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa social media posts na malisyoso at fake news na naninira at nagkakalat ng kasinungalingan laban sa kanya.


Ayon kay Go, ang kritisismo ay bahagi ng malayang pamamahayag pero hindi ito dapat abusuhin at gamitin sa pagpapakalat ng kasinungalingan para sirain ang kapwa.

Kaugnay nito ay hindi rin pinalampas ni Go ang alegasyon ni dating Senator Antonio Trillanes IV na nambu-bully siya ng kritikong estudyante.

Ikinumpara pa ni Go si Trillanes sa bagyo na tila hari ng fake news, walang ginawa kundi manira ng kapwa at mag-akusa ng walang basehan.

Apela ni Go sa mamamayan, maging responsable sa mga kinakalat na impormasyon at palaging gamitin ang isip at salita upang makatulong sa kapwa lalo na ngayong nahaharap tayo sa pandemya.

Facebook Comments