Mga biktima ng human rights violation hinikayat na magsampa ng kaso laban sa mga umabuso sa kanila

Binigyang diin ng Palasyo ng Malacanang na dapat ay magsampa ng kaukulang kaso ang sinomang sinasabing biktima sila ng human rights violation sa gitna ng war on illegal drugs ng administrasyong Duterte.

 

Ito ang sinabi ng Malacanang sa harap narin ng report ng Amnesty International na ang lalawigan ngayon ng Bulacan ay tinatawag na killing fields sa dami ng kaso ng pagpatay sa mga sinasabing sangkot sa operasyon ng iligal na droga.

 

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, suportado ng pamahalaan ang sinomang biktima ng pangaabuso ng mga Pulis at suportado din ng Pamahalaan ang mga kasong isasampa ng mga ito laban sa mga Pulis.


 

Paliwanag ni Panelo, kailangang magsampa ng kaso ang mga biktima dahil sa pamamagitan nito ay masisimulan na ang legal na proseso para mapanagot ang mga nagkasala.

Sinabi din ni Panelo na dapat ay palakasin pa ang Commission on Human Rights ang kanilang kapabilidad na habulin ang mga human rights violation.

Facebook Comments