Makatatanggap na ng kompensasyon ang mga biktima ng giyera sa Marawi noong 2017 matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11696.
Sa ilalim kasi ng bagong batas, bubuo ang pamahalaan ng isang independent at quasi-judicial body na tatawaging Marawi Compensation Board.
Layon nito na bigyang kompensasyon ang mga indibidwal na nawalan ng tirahan o nawasak ang kanilang ari-arian dahil sa pagkubkob ng teroristang Maute sa Marawi City.
Maliban dito, bibigyan din ng kompensasyon ang mga naiwang kaanak ng mga nasawi sa Marawi Siege.
Samantala, pamumunuan ito ng isang chairman at walong miyembro na itatalaga ng pangulo.
Facebook Comments