Cauayan City, Isabela- Umakyat na sa 36 ang naitalang fireworks-related injuries sa lambak ng Cagayan base sa report ng Department of Health (DOH) region 2.
Ayon sa DOH, mas mataas ito ng 23 kasong naitala kumpara sa 13 noong 2020.
Nabatid na 32 o 89% ng mga naputukan ay mga lalaki edad lima hanggang 65.
Mula sa lalawigan ng Isabela ang karamihan sa mga naging biktima ng paputok at mayorya nito ay kasalukuyan ng nagpapagaling matapos mabigyan ng paunang lunas.
Samantala, wala namang naitalang insidente ng firecracker ingestion at tinamaan ng ligaw na bala habang isang pasyente naman ang patuloy na inoobserbahan sa Gov. Faustino N. Dy Sr. Memorial Hospital.
Facebook Comments