Mga Biktima Ng Sunog Sa Pagadian Nakatanggap Ng Tulong

6

PAGADIAN – Patuloy ang panawagan ng mga biktima sa sunog sa lungsod ng Pagadian para matulungan sila sa pagkain, damit pati narin sa inumin.Sa panayam ng RMN Pagadian kay Jenny Magbanwa , isa sa mga naging biktima ng sunog , wala silang naisalbang mga gamit mula sa insedente kaya hiling nito sa mga kinauukulan na sila ay mabigyan ng agarang tulong.Kahapon ay namahagi ng tulong ang Philippine Red Cross Pagadian City Chapter tulad ng damit, kumot at banig.Sinabi ni Loter Villaflores ang OIC ng PRC Pagadian, ito ang ikalawang bahagi sa kanilang pagbibigay ng donasyon sa mga fire victims.Napag-alaman na halos isang daang na pamilya ang nanatili sa evacuation center, lubos naman ang pagpapasalamat sa mga opesyal ng Barangay sa PRC. ( RMN-Pagadian Kenneth Bustamante)

Facebook Comments