Pambansang Kamao, Pinagfofocus Na Sa Public Service

15

MANILA – Ngayong retirado na umano si Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa larangan ng boxing, umaasa ang mga kasamahang kongresista ng Kamara na tututok na ito sa public service.Ayon kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe, dahil tapos na ang kanyang boxing career, makakapag-focus na umano ito sa pagsisilbi sa bayan.Higit na umano makakapagtrabaho si Pacquiao para sa bansa dahil hindi na hati ang atensyon nito sa boxing at sa pulitika.Pinayuhan naman ni Magdalo Rep. Gary Alejano na pangunahan na ni Pacquiao ang development ng sports sa Pilipinas upang mas malinang ang kakayahan lalo na ng mga kabataang nagnanais na sumunod sa yapak ng pambansang kamao.Malaki umano ang magagawa ni Pacquiao para lalong palakasin ang sports at makahikayat ng mas marami pang potensyal na mga indibidwal na magbibigay karangalan din sa bans

Facebook Comments