Mga bilanggong isasailalim sa quarantine, bibigyan ng executive clemency o parole ayon sa weekly report ni Pangulong Duterte

Bibigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng executive clemency at parole ang mga bilanggong isasailalim sa mandatory 14-day quarantine.

Sa ikawalong weekly report sa Kongreso, sinabi ni Pangulong Duterte na ang Board of Pardons and Parole (BPP) ay sinimulan na ang pagpoproseso ng applications para sa executive clemency.

Bukod dito, ni-waive ng BPP ang notices-to-parties requirement alinsunod sa interim guidelines na layong pabilisin ang pagpapalaya sa mga kwalipikadong bilanggo.


Sa panig naman ng Public Attorney’s Office (PAO), nakapagbigay sila ng legal assistance para sa pagpapalaya ng nasa 4,348 persons deprived of liberty mula March 16 hanggang May 5, 2020.

Natulungan din ng PAO ang nasa 9,214 indigent persons sa kanilang inquest proceedings at nakapagprisenta ng 1,233 na indibidwal sa korte mula March 16 hanggang April 13, 2020.

Matatandaang ilang grupo na ang nananawagan sa pamahalaan na palayain ang mga bilanggong matatanda ay may sakit.

Facebook Comments