Tiniyak ni Department of Interior and Local Government Sec. Eduardo Año na isandaang porsyentong ligtas ang mga kulungan sa bansa.
Ito ay sa kabila nang banta ng COVID-19 kung saan nasa 217 na ang naitatalang kaso nito habang 17 na ang nasawi.
Ayon kay Sec Año, simula nitong Marso, sinuspinde muna nila ang visitation privileges upang masigurong hindi makakapasok ang COVID-19 sa mga bilangguan.
Para sa mga bagong preso, aniya, ay sasailalim muna ang mga ito sa 14-day quarantine period bago tuluyang makapasok sa oblo.
Mababatid na matagal nang problema ng bansa ang jail congestion kung saan kapag nagkaroon ang isang preso ng sakit ay mabilis itong kakalat.
Facebook Comments