Mga binaha sa Maguindanao , pinagkalooban ng ayuda

Mga binaha sa Maguindanao , pinagkalooban ng ayuda

Buluan Maguindanao-Puspusan ngayon ang ginagawang inisyatiba ng Provincial Government ng Maguindanao upang maibsan ang problemang hatid ng pagbaha sa mga bayan ng lalawigan.
Kasalukuyang walang humpay ang ginagawang dredging sa mga kailugan ng Paglat at Datu Piang maliban pa sa mano manong pagbuwag sa mga nagkumpulang mga water hyacinth o water lilies ayon pa kay Engr. Abdulrakman Asim, Provicial Engr. ng Maguindanao sa panayam ng RMN Cotabato.
Bagaman aminadong pahirapan sa kanilang trabaho masaya namang inihayag ni Engr. Asim na unti unti ng nalilinis ang mga waterways at mga bumarang ilog.
Matatandaang isinailalim sa State of Calamity ang lalawigan kamakailan matapos maapektuhan ng baha ang abot sa 20 bayan.
Kaugnay nito, nagpapatuloy naman ang ginagawang pag papaabot ng ayuda ng Provincial Government sa pamamagitan ng Peoples Medical Team sa mga naapektuhang pamilya.
Ngayong araw, nakatakdang mamahagi ng karagdagang tulong ang mga ito sa bayan ng Sultan Kudarat ayon pa kay Lynette Estandarte, Head ng Peoples Medical Team.
Nauna na ring pinagkalooban ng tulong ang ilang bayang nasalanta ng baha kabilang na ang mga bayan ng Datu Montawal, Pagalungan, Datu Abdullah Sangki, Ampatuan, Mother at Northern Kabuntalan, Datu Salibo, Datu Saudi Ampatuan, Rajah Buayan, Mamasapano, at Sultan Sa Barongis.
Food Packs na naglalaman ng bigas, delata , kape at noodles ang laman ng relief items.
Maliban sa relief items, agad ring nagpaabot ng medical services ang provincial government sa mga naperwisyo ng baha.(DENNIS ARCON)
PICS: Maguindanao PGO





Facebook Comments