Mga binahang residente sa Eastern Visayas, binigyang ayuda ng Philippine Navy

Hinatiran ng tulong ng Philippine Navy katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) – Visayas Disaster Resource Center, Office of the Civil Defense (OCD) 7 at Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) 7 ang mga kababayan nating naapektuhan ng malawakang pagbaha sa Eastern Visayas sa pamamagitan ng kanilang Humanitarian Assistance and Disaster Relief operations.

Lulan ng BRP BATAK ang 2nd wave ng mga relief goods kabilang ang (7,500) boxes o (68) tons ng Family Food Packs (FFP) na ipinamahagi sa mga apektadong residente sa Ormoc City, Leyte, Eastern Samar at Samar kabilang ang Arteche, Borongan City, Dolores, General Mac Arthur, Maydolong at Calbayog City.

Naging matagumpay ang naturang sealift mission dahil sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan tulad ng OCD Region 8, 802nd Infantry Brigade, 8th Infantry Division ng Philippine Army; Ormoc City Police Office at Coast Guard District Eastern Visayas na silang tumulong sa mobility at manpower assistance para sa mas mabilis na unloading at transport ng mga relief goods.


Kasunod nito, nangako ang Visayas Command sa pamamagitan ng Naval Forces Central na magtutuloy-tuloy ang pagbibigay nila ng serbisyo publiko at tulong sa mga apektado nating mga kababayan.

Facebook Comments