9 na confidential informants, nakatanggap ng reward money mula sa PNP

Kabuuang P7.96-M ang natanggap ng 9 na tipsters mula sa Philippine National Police (PNP).

Pinangunahan ni PNP Director for Intelligence Maj. Benjamin Acorda Jr., ang pagbibigay ng reward money sa mga confidential informants.

Ang mga ito ang naging daan sa pagkakaaresto sa sinasabing New Peoples Army (NPA) leader na si Alfredo Mapano at 8 most wanted persons.


Mayroon din silang existing warrant of arrest na inisyu ng iba’t ibang korte dahil sa mga kasong murder, rape, forcible abduction with rape, multiple frustrated murder, at multiple attempted murder.

Ayon sa PNP ang pagbibigay ng pabuya ay isa sa mga programa ng Pambansang Pulisya para sa agarang pagkakadakip sa mga tinaguriang most wanted persons.

Kasunod nito, hinihimok ng pamunuan ng PNP ang publiko na ipagbigay alam din sa mga awtoridad ang mga impormasyong may kinalaman sa mga indibidwal na pinaghahanap ng batas.

Facebook Comments