Mga binaklas na campaign tarpaulin, ginawang eco bags

Courtesy of MENRO Baliwag Facebook

Bukod sa nakabawas na sa basura ang mga binaklas na tarpaulin na ginamit sa pangangampanya, napakinabangan pa ito ng mga residente sa Baliwag, Bulacan.

Sa Facebook post ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO)-Baliwag, iniulat na mahigit 50 kgs na ng mga tarpaulin ang nai-convert sa eco bags.

Ideya umano ito ni reelected Bulacan Mayor Ferdie Estrella.


Alinsunod ang pagbabaklas ng mga ipinaskil na campaign materials matapos ang botohan sa patakaran ng Commission on Elections (Comelec).

Ibinebenta ang mga recycled eco bags sa halagang P50 hanggang P100, na mapupunta anila sa mga beneficiaries ng Eco Livelihood Program ng bayan.

Umani naman ng magagandang komento ang ginawang hakbang na ito.

Facebook Comments