Mga binibitawang pahayag ni Presidential Spokesperson Roque hinggil sa pagpapalaya kay Pemberton, dapat linawin bilang sariling pahayag at hindi ng Pangulo

Iginiit ni Atty. Larry Gadon sa kanyang kapwa abogado na si Presidential Spokesman Harry Roque na linawin sa publiko na hiwalay nitong opinyon at hindi opinyon ng isang tagapagsalita ng Pangulo ang ipinapahayag nito sa isyu ng pagpapalaya kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.

Ginawa ni Atty. Larry Gadon ang payo kasunod ng hayagang pagtuligsa ni Roque sa naging desisyon ng Olongapo Regional Trial Court na palayain ang bilanggong Amerikanong sundalo.

Ayon kay Gadon, anumang sasabihin ng kalihim ay opisyal na pahayag mula kay Pang. Rodrigo Duterte kung saan maaaring malabag ang separation of powers ng Ehekutibo at Hudikatura.


Umaapela rin si Gadon sa korte na liwanagin ang pagbibigay kay Pemberton ng release order gamit ang Good Coduct Time Allowance (GCTA) dahil kung walang rekomendasyon ang Bureau of Prisons sa pag-apply ng GCTA kay Pemberton ay hindi dapat ito palayain.

Aniya, ang GCTA ay isang kapangyarihan na ang pwede lamang magbalangkas ay ang ehekutibo sa pamamagitan ng Bureau of Prisons na ang rekomendasyon ay dadaan pa sa Secretary of Justice para maaprubahan.

Facebook Comments