Mga bisikleta, hindi pa rin pwede sa EDSA – MMDA

Nilinaw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi pa rin maaaring dumaan ang mga bisikleta sa EDSA dahil sa kakulangan ng bike lanes.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, hindi pa naipapatupad ang long-term plan para sa mga bisikleta.

Iginiit ni Garcia na mahalaga pa rin ang kaligtasan ng mga nagbibisikleta.


Sinabi naman ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar na plano nilang maglatag ng dedicated bike lane sa EDSA lalo na at nagiging alternatibong paraan ng transportasyon ito sa ilalim ng “new normal.”

Maliban sa bicycle lanes, magtatayo rin ang DPWH ng elevated walkways sa EDSA.

Sa ngayon, naghahanap pa ang ahensya ng pondo para sa mga proyektong ito sa ilalim ng 2020 General Appropriations.

Facebook Comments