Mga biyahe ni Pangulong Duterte abroad, dinipensahan ng Malakanyang

Manila, Philippines – Tiniyak ng Malakanyang na hindi nasayang ang pera ng bayan sa mga naging biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito’y kasunod ng puna at batikos ng mga kritiko at pagturing kay Pangulong Duterte bilang most travelled president.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar – mahigit sa 35 billion dollars ang nakuhang investment ng pangulo sa kaniyang biyahe sa ASEAN gayundin sa China, Japan, Russia, Peru at New Zealand.


Samakatuwid, 1,000 piso ang naiuuwi ng pangulo sa bawat pisong ginagastos nito sa kaniyang biyahe.

Nanindigan din ang palasyo na si Pangulong Duterte ang nakapag-uwi ng pinakamalaking investment sa unang taon pa lamang ng kaniyang termino kumpara sa mga nakalipas na pangulo ng bansa.

Facebook Comments