Accomplishment report sa unang isang taon ni Pangulong Duterte sa panunungkulan, inihahanda na

412

Manila, Philippines – Naghahanda na ang Malakanyang ng accomplishment report kaugnay sa unang isang taon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang termino.

Ayon kay Presidential Communications Sec. Martin Andanar, sakop ng inihahanda nilang ulat mula June 30, 2016 hanggang June 30, 2017.

Maliban aniya sa written report na ginagawa na ng tanggapan ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, naghahanda na rin ng ulat ang mga tanggapang nasa ilalim ng Presidential Communications Office (PCO).


Tiniyak naman ni Andanar na sa isa sa mga pangunahing maitatampok sa binubuong report ay ang nagawa ng administrasyon patungkol sa kampanya laban sa ilegal na droga.

Facebook Comments