Mga biyahero, patuloy ang pagdagsa sa Manila North Harbor Port

Nasa higit 1,600 na pasahero ang nakaantabay rito sa Manila North Harbor Port para sa kanilang biyahe mamayang alas-6:30 ng gabi.

Nakatakdang sumakay ang mga ito sa MV St. Therese of Child Jesus na bibiyahe papuntang Cebu City at Ozamiz City.

Samantala, kaninang alas-3:00 ng hapon ay naging maayos naman ang pagsakay ng humigit-kumulang 700 pasahero sa MV 2GO Maligaya na bumiyahe papuntang Cebu City at Cagayan de Oro City.


Sa pinakahuling datos naman ng Philippine Coast Guard (PCG), umabot na sa 102, 445 ang bilang ng mga pasahero sa mga pantalan sa buong bansa ngayong araw.

Nakapagtala na rin ang PCG ng 1,704, 833 na kabuuang bilang ng mga biyahero simula noong Dec. 15.

Nananatili namang mahigpit ang pagbabantay ng mga coast guard personnel sa port passenger terminal para masiguro na magiging ligtas at maayos ang operasyon ng mga sasakyang pandagat sa pantalan.

Facebook Comments