Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga taong nagpapakita ng pekeng reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test results bilang travel requirement.
Sa kanyang Talk to the Nation Address, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi matatapos itong pandemya kung may mga taong namemeke ng kanilang swab results.
Apela ng Pangulo sa publiko na huwag na itong gawin.
Inatasan ni Pangulong Duterte ang Philippine National Police (PNP), Department of Tourism (DOT) at local government units (LGUs) na hulihin ang mga magpapakita ng palsipikadong COVID-19 testing results.
Bagamat naiintindihan ni Pangulong Duterte na maraming tao ang gusto nang lumabas ng kanilang bahay, hinikayat pa rin niya ang lahat na huwag munang bumiyahe maliban na lamang kung mabakunahan na ang mayorya ng populasyon laban sa COVID-19.