Mga biyaherong papunta at pabalik, dagsa sa PITX

Ngayong araw ay dagsa ang mga pasaherong papunta ng probinsya at pabalik ng Metro Manila sa Parañaque Integreted Exchange (PITX) matapos ang pagdiriwang ng Pasko.

Ayon sa pamunuan ng PITX, aabot na sa 75,160 ang kanilang estimated na bilang ng mga pasahero.

Sa ngayon ay kasalukuyang fully booked na ang mga biyaheng Bicol, sa ibang mga terminal hub dahil sa dami naman ng mga nagnanais umuwi sa pagdiriwang ng Bagong Taon.


Pero maaari pang magpa-reserve sa mga ibang terminal hub dahil may mga nakaantabay na extra bus na bibiyahe sa ibang mga probinsya.

Pinapayuhan naman ng pamunuan ng PITX na sumunod sa mga alituntunin, maging maaga sa nakatakdang oras ng schedule at iwasan magdala ng marami o malalaking bagahe.

Facebook Comments