Mga BOC officials na itinuturong tumanggap ng suhol, kanya-kanyang tanggi sa nasabing alegasyon

Manila, Philippines – Itinanggi ng mga opisyal ng Bureau of Customs na itinuro kanina ni Customs Broker Mark Taguba na tumatanggap sila ng “tara” sa mga pinalulusot na containers ng EMT Trading.

Dahil dito ay nagbanta si Deputy Commissioner Milo Maestrecampo na magre-resign sa pwesto para bigyang daan ang imbestigasyon.

Iginiit nito na siya ay maaaring rebelde pero hindi siya magnanakaw dahil wala siyang tinatanggap na suhol mula sa mga iligal na gawain sa BOC at nakukuntento na siya sa sahod na nakukuha niya sa ahensya.


Sinabi naman ni CIIS Director Niel Estrella, masakit para sa kanila na wala na silang mapagpipilian at mahihirapan na silang bawiiin ang nasirang reputasyon sa publiko.

Pinabulaanan din nila Deputy Commissioner for Intelligence Atty. Teddy Raval at Atty. Vincent Philip Maronilla, District Collector ng Manila International Container Port na hindi nila kilala si Taguba at wala silang tinatanggap dito.

Sa panig naman ni MICP CIS OIC Teddy Sagaral na sa tagal na niya sa militar at sa BOC ay ngayon lamang nadawit ang kanyang pangalan sa korapsyon.

Bukod sa hindi nila kilala si Taguba, itinanggi din ng mga opisyal ang mga pangalan na nakalista na diumano’y tumatanggap ng suhol para sa kanila.

Facebook Comments