Mga border ng bansa, mahigpit ng binabantayan ng BOQ dahil sa banta ng Monkeypox virus

Ipinag-utos na ng Department of Health (DOH) sa Bureau of Quarantine (BOQ) na paigtingin pa ang pagbabantay sa mga pantalan at paliparan ng bansa kasunod ng banta ng Monkeypox, na hindi pangkaraniwang virus.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, partikular niyang pinababantayan ang mga manggagaling sa mga bansang nakapagtala na ng kaso ng Monkeypox kabilang ang Africa, US, Canada, UK at ilang European countries.

Aniya, wala pa namang dapat ikabahala ang publiko sa Monkeypox.


Ang karaniwang tinatamaan nito ay nakakaranas ng lagnat, pananakit ng ulo, pananakit ng kasukasuan at kalamnan at rashes pero kusa itong gumagaling.

Nakukuha ang Monkeypox virus sa pamamagitan ng close contact sa sugat, bodily fluids o respiratory droplets mula sa tao, hayop, o contaminated material.

Facebook Comments