Tinatanggal na ng Philippine Coast Guard o PCG Task Force Taal ang mga boya na inilagay sa paligid ng Taal Volcano Island.
Ayon sa PCG, inaalis na nila ang mga boya sa 7-kilometer-radius danger zone ng isla matapos ibaba ng PHIVOLCS ang seismic activity status ng Taal Volcano sa Alert Level 2 mula Alert Level 3.
Sa kabila nito,nilinaw ng Coast Guard na bawal pa rin pumasok sa isla ang mga residente.
Ayon sa Coast Guard, haharangin nila ang mga residenteng magpupumilit pumasok sa isla.
Facebook Comments