Pulis, Inaresto Habang Sumisigaw ng ‘Sa Pula, Sa Puti’!

1793

Cauayan City, Isabela- Inaresto ng kapwa pulis ang isang Police Staff Sergeant na nakatalaga sa Bayombong Police Station, Nueva Vizcaya makaraang maaktuhan na nagsasabong sa Brgy. Tagaran, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang naaresto na si PSSgt Jovimar Parallag Rodriguez, 37 taong gulang, walang asawa at residente ng Villegas St, San Fermin, Cauayan City.


Sabado ng hapon nang maaktuhan at maaresto ng PNP Cauayan City at intel officer ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) si Parallag habang nakikipagsabong at sumisigaw pa umano ng “sa pula, sa puti”.

Nabatid na naka-off-duty ang nasabing pulis at umuwi lamang dito sa Lungsod.

Dinala na sa Police Regional Office 02 (PRO2) ang nasabing pulis para sa kaukulang pagdinig sa kanyang kasong paglabag sa PNP Code of Conduct and Ethical Standard.

Facebook Comments