Mga bumabanat sa ASEAN Summit, dapat magbasa at alamin ang mga tunay na nangyari

Manila, Philippines – Pinayuhan nalang ng Palasyo ng Malacañang ang mga kumokontra sa katatapos lamang na ASEAN Summit na magbasa at silipin ang mga tunay na nagyari sa mga pulong ng mga state leaders na dumalo sa nasabing summit.
Ito ang reaksyon ng Malacañang sa harap narin ng komento ng ilang abogado na puro pagpapapogi lamang ang nangyari sa ASEAN Summit at wala namang napagusapang malalaking issue.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, marahil ay hindi lang alam ng mga bumabatikos ang tunay na nagyayari sa mga closed door meetings na nagyari sa pagitan ng mga state leaders.
Sinabi ni Roque hindi maituturing na pagpapapogi lamang ang paguusap para maresolba ang problema sa Korean peninsula o ang pagkontra ng mga state leaders sa Nuclear program ng North Korea.
Hindi din aniya maituturing na pagpapapogi lang ang paguusap ng mga leader para labanan ang terorismo sa rehiyon.
Kaya naman mas magandang magbasa basa nalang muna aniya ang mga kritiko bago sila magkomento.

Facebook Comments