Mga bumabiyaheng pampublikong sasakyan, nabawasan kasunod ng walang tigil na oil price hike

Aminado ang Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) na nabawasan ang mga pumapasadang pampublikong sasakyan sa gitna ng nararanasang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni I-ACT Chief Charlie del Rosario na hindi naman nila mapipilit ang operators at drivers na bumyahe.

Gayunpaman, alalahanin aniya sana ng mga ito ang kaakibat na serbisyong publiko ng prankisa na ipinagkaloob sa kanila ng pamahalaan.


Binigyang diin nito na ang gobyerno naman, sa pangunguna ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay pilit na binabalanse ang kapakanan ng mga tsuper at pasahero, maging ang impak sa ekonomiya ng nararanasang sunod sunod na oil price hike.

Facebook Comments