Pagsuko ni Jose San Antonio Sanvicente, hindi raw scripted ayon sa PNP

156

Iginiit ng Philippine National Police (PNP) na hindi scripted ang nangyaring pagsuko at pagharap sa media ng driver ng SUV na sumagasa sa security guard sa Mandaluyong.

Ginawa ng PNP ang pahayag matapos mabatikos ang pagsuko ni Jose Antonio Sanvicente kahapon at akusahan ang PNP na binigyan ng special treatment ang suspek.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, maging siya ay hindi alam ang pagsuko ni Sanvicente.


Siya rin mismo umano ay nabigla rito.

Depensa naman niya sa mala-tv set-up na pagpresenta rito, nagkataon lang umano ito.

Paliwanag ni Fajardo, tanging si PNP Officer-in-Charge PLt. Gen. Vicente Danao Jr., lang daw ang may alam ng pagsuko ni Sanvicente.



Matatandaang na unang sinabi ni Fajardo sa press conference kahapon na hindi alam ng PNP kung nasaan si Sanvicente pero dalawang oras matapos ang press conference ay sumuko na si Sanvicente.

Facebook Comments