Mga bumibisita sa Loyola Cemetery, dumarami na

Dumarami na ang dumadalaw sa Loyola Cemetery para gunitain ngayong taon ang kanilang namayapang mahal sa buhay.

Ayon sa datos ng Marikina City Police Personnel, tansiya nila na nasa bilang na 2000 ang bumisita sa Loyola Cemetery.

Nakapagtala rin ng 57 na nakumpiskang pinagbabawal na gamit gaya ng lighter, posporo at ilang pakete ng sigarilyo.


Maghigpit naman na ipinagbibilin ng Marikina City Police na sundin ang mga sumusunod na alintuntunin at mag-suot ng mask kahit na open or nasa close area pa ito.

Facebook Comments