Mga bukas na gate sa Magat Dam, nilimitahan na ng NIA

Nilimitahan na ng National Irrigation Administration – Magat River Integrated Irrigation System (NIA- MARIIS) ang pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam.

Sa abiso ng NIA-MARIIS, bago magtanghali kanina, isinara ang isa pang gate ng dam.

Sa ngayon, apat na gate na lamang ang bukas na may kabuuang gate opening na 8 meters at nagpapaka-wala ng hanggang1,862 cubic meters per second na tubig.


Bandang alas-10 kaninang umaga ng tuluyan nang isara ang radial gate number 1 at 2 at gate number 7 dakong alas-11 ng umaga.

Kahapon, itinodo ang pagbawas ng tubig sa Magat Dam kung saan binuksan ang pitong radial dam nito.

Ginawa ito dahil sa mabilis na pagtaas ng lebel ng tubig sa reservoir dahil sa mga pag-ulan dala ni Bagyong Paeng.

Facebook Comments