CAuayan City, Isabela – Dagsaan na ngayong araw ang mga bumibisita sa mga pampubliko at pribadong libingan dito sa lungsod ng Cauayan.
Batay sa monitoring ng RMN Cauayan News Team ay abala na sa paglilinis at pagpipintura sa mga puntod ang mga bumibisitang kaanak ng mga yumao sa bawat sementeryo sa lungsod.
Sa pakikipag ugnayan ng RMN Cauayan sa mga tagabantay ng mga libingan sa Cauayan City, mas aasahan pang magdagsaan ngayong hapon ang mga bibisita dahil naantala lamang umano ang mga Ito dahil sa bagyong rosita.
Ayon naman sa mga nagtitinda ng mga bulaklak sa Cauayan ay bagamat tumaas ang presyo ng mga bulaklak ay marami pa ring mga bumibili at nagpapareserba.
Samantala, nakahanda naman Sa ngayon ang mga miyembro ng Incident Management Team (IMT) ng Cauayan City para sa pangangalaga ng seguridad ngayong undas.